Friday, January 8, 2010

Philippine SSS nasa Facebook Na!

Yey... Laking tuwa ko nang malaman ko noong Enero 6, 2010 na nasa Facebook na ang ating Social Security System.

http://www.facebook.com/pages/Quezon-City-Philippines/Philippine-Social-Security-System /102761037867?v=app_2373072738&ref=sgm

Nag-login ako sa aking Facebook account at naghanap ako ng kapareho kong problema sa kanilang "Discussion" page. Doon ay idinulog ko ang aking problema.

Na-"blocked" kasi ang aking on-line account noong nakaraang taon ng 2009. Napagpasiyahan ko noon na tumigil munang humanap ng tulong pansamantala. Mabuti naman kaysa mag-ngitngit sa bulok na sistema. ;-)

Sa wakas, kanina ay nakatanggap ako ng email galing sa SSS at tuwang-tuwa ako dahil natanaw kong muli ang aking mga contributions. Yehey!

God is good...