Thursday, August 6, 2009

Tungkol pa rin sa SSS online inquiry

Payo ng anak kong nasa US, gamitin lagi ang Mozilla Firefox browser imbes na Internet Explorer. Ayaw kong maniwala dahil nakasanayan ko na ang Internet Explorer. Kung kaya't habang nag-uusap kami sa Skype, hinimok ko siyang i-browse ang http://www.sss.gov.ph/ gamit ang Firefox, ako naman gamit ko ang Internet Explorer.

Na-access niya ang kanyang account. Ako, hindi. Ganoon pala un. He he he. Buong akala ko pa naman ay ang SSS website ang may diperensiya. Ako pala ang may kakulangan sa kaalaman sa paggamit ng internet. ~LOL~

Sa sobrang tuwa, ginamit ko rin ang Mozilla Firefox. Ngunit sa kasamaang palad, nagkamali ako ng pag-type ng Password ko, kaya ito ang nangyari:

Welcome to Member Login!
Your Account has been
blocked. Please contact the
SSS Hotline at 9206401 local 6201.
Bukas tatawagan ko ang numerong nakatala. Para sa akin hudyat ito na gumagana ang online inquiry nila. Yey, malapit ko na ring mabuksan ang aking account. :-)

2 comments:

  1. ganito rin nangyayari sa akin ngaun..maayos naman browser ko...i know my user id and password but it keep saying Your Account has been
    blocked. Please contact the
    SSS Hotline at 9206401 local 6201

    i wander if my account are really blocked..nag aalala na tuloy ako kung ano nangyayari sa mga remittance ko..

    ReplyDelete
  2. Hmmm, I know how it feels. I've been there. I have solved my problem, though. If you have a facebook account try their official SSS fb account and post your problem.

    http://www.facebook.com/pages/Quezon-City-Philippines/Philippine-Social-Security-System/102761037867?v=app_2373072738&ref=sgm#!/topic.php?uid=102761037867&topic=12186

    Good luck.

    ReplyDelete